HAPPY MOTHERS DAY :D

Our personality is based on the people around you, the trait that they had passed to you… for me… my personality is a result of those people around me and especially form someone that i never had… A MOTHER…

Psyching myself as I drove home earlier,,, i asked… What would I be like if i had a mother? And what had i become for having none?

Of course, there were times in my “youth” that i have somehow blamed the death of my mom for some silly reasons. But then, as i examine and reflect on myself, at this age, i realize, maybe Gods gift for me is not having a MOM, or rather, taking her away from me at an early age.

As being bron on the 8th of June, making my zodiac sign GEMINI, and as always, i look onto things in 2 different ways, writing down pros and cons, then weighing things after. So here it goes…

WHAT IF I HAD ONE…

1. wala siguro akong kalyo sa kamay.

2. hindi ako marunong magluto kasi may magluluto para sa akin.

3. hindi ako marunong maglaba, kasi may maglalaba para sa akin.

4. malamang, wala akong peklat, hehe, kasi hindi ako papayagang maglaro sa labas. ang legz sayang.

5. mahilig akong magpalda, kasi girl un eh…

6. maaga akong natutong mag-make up, malamang…

7. sa sikat at malaking university siguro ako nagtapos,- mothers wants the best for her child diba?

8. madami siguro akong pictures, galing sa lahat ng graduation, recognition, parties, kahit simpleng araw lang, may picture.- a mom always wants to preserve memories.

9.hindi ako takot sa tao, – she will always show-off her precious.

10.malabong mag ka bf ako kagad – proctective nanays diba?

11. kung wala akong bf, malamang wala akong asawa.

12. lagi sigurong masarap matulog- gusto kasi nun laging may kayapos,

13. hihilig ako sa pabango – may collection kasi sya.

14. kilala ko na siguro ang mga pangalan ng mga orchids, o baka magka green thumb pa ako. – sobrang galing nyang mag alaga ng halaman.

15.hindi ako magiging maramdamin – kasi sigurado, bago ko pa maramdaman, haharangin na nya.

16. tanga siguro ako sa pagdedesisyon – kasi gagawin na nya yon.

17. hindi ako mayabang – kasi may magmamayabang na para sa akin.

18. wala akong kaaway –  kasi aawayin na nya para sa akin.

19. kalahati lang ang iiiyak kong luha – kasi sigurado, un kalahati o baka lampas pa ang iiiyak nya.

20. maganda ang tingin ko sa mundo,

21. maganda at mababait ang tingin ko sa lahat ng tao. – alam ko kasi, sisiguraduhin nyang lahat ng makikita ko maganda.yun tama.

22. sawang sawa na siguro ako sa kakadinig ng “i love you”

EH WALA NGA EH, KAYA…

1. malaki kalyo ko- ok lang un sabi ng lolo ko, mas gusto daw ng boyz yun kasi pinapakita na hindi ka maarte

2. marunong akong magluto para sa pamilya ko, minsan nga bake pa!

3. marunong akong maglaba, mula high school pa! basta konting kusot kusot lang, d nman masyadong madumi eh.

4. madami akong peklat- at least may conversation piece na kagad, tanda ko kung saan at kung kelan ko nakuha yon, kwento ko sayo minsan.

5. pantalon lang ang kilala ko, nag dress ako, may asawa na ako.

6. ok lang kahit d ako kaagad namulat sa make-up, buti nga yon, teen years ko, wala akong pimples! ngaun nlng!!!

7. sikat naman ang SLPC, d nga lang masyadong kilala. hehe,

8. may photo graphic memory naman? saka ang pictures, kumukupas, ok lang yun.

9. takot ako sa tao, ayoko masydo ng social activities, o kahit makipaglamierda sa hindi ko kilala, that makes me special and friends even more special,,, kasi pili lang ang nakakakilala sa akin. BONGGA!!!

10. madami din akong naging ex bf, every heartache naman gains experience, it makes you mature.

11. maaga akong nag-asawa, wala akong sinisisi. swerte lang ako sa asawa ko, buti nlng maaga baka may umagaw pa, sayang. at nevertheless!!! i have CZEA JICAN CABREGA RUIZ!!!

12. mahilig akong magkumot kahit mainit, pwede na un, hindi pa mabigat.

13. ayaw ko ng pabango, bawal pati sa asawa ko, saka ang mahal kaya, gawin hobby ang paliligo sapat na para bumango.

14. 2 out of 10 may nabubuhay na halaman, hindi aksaya sa tubig, maunti lang ang plants sa garden.

15. mararamdaman ko lahat, no pretentions, pure emotions.

16. i dont always make the right decisions, but i choose the ones that make me happy. marunong akong magdesisyon, lalo kung para sa mga taong mahal ko.

17. i am a proud person. bakit masama ba? its MY certificates, MY honours, MY work- sino pa ba ang gagawa nun?

18. marunong akong makipag away. kaya ko kahit ako lang. kahit ako na lang, wag nlang sila, kakayanin ko. subukan mo?

19. iyakin ako, lalo sa movies. bihira lang ulit ang mga taong nakakakita sa aking umiyak dahil sa mga seryosong bagay, i can hold my tears if i want to, bakit? no one will wipe them , ako din lang , so bakit ko papahirapan ang sarili ko? Daba. I am a strong person, simply because, i dont have someone to protect me. parang immune system lang, papalakasina ng auto antibodies, para dmo na kailangan ng antibiotics, bukod sa mahal, bihira lang ang tumatalab.

20. i know about global warming, green house effects, pollutions. the earth isnt perfect, i KNOW.

21. may mga taong pinanganak na plastic, topak, gago, retokado, banidoso, iresponsable, kailangan ko lang gawin ay makisalamuha sa kanila, and be unique as i am because i am me.

22. there are only few persons na nasabihan ko ng “i love you” and for me, those words are real, uttered for the most purest reasons,,,

For those who read this, please dont get me wrong, hindi ko sinasabing, swerte ako, kasi wala kong nanay. no, swerte ako , kasi i literally and technically, have two eyes/ perceptions.  For some, they gain strengt from those around them, para kay JEPOT, she became strong from the one na wala siya…

i need time to REFLECT, i havent done this seriously for a long time… and i suggest you do too…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s